Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan
(Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas)
- LAYUNIN:
Sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
- Maipahayag ang kahalagahan ng Pople Power Revolution sa pagpapanumbalik ng ating kalayaan.
- Makagawa ng isang timeline ng mga mahalagang kaganapan sa kung paano natin nakamtan ang demokrasya sa gitna ng deklarasyon ng Batas Militar.
- Matukoy ang mga kontribusyon ng mga mahalagang tao na nasa likod ng EDSA Revolution, kung paano sila nagtagumpay.
- PAKSANG ARALIN:
Paksa: Pagkamit ng Kalayaan sa Isang mapayapang rebolusyon
Unit: People Power: The 1986 EDSA Revolution
Kasanayan: kasanayan sa pag unawa, pagkilatis ng katotohanan, pag bibigay kahulugan ng impormasyon
Mabuting Asal: Pagkakaisa, Pagkamakabayan, Pagpapahalaga ng kakayahan ng bawat isa
- Edukasyonal na Kagamitan:
1. Sanggunian: Eleanor D. Antoni, Evangeline M. Dallo, Lonsueto M. Imperial, Ma. Carmelita B. Samson at Celia D. Soriano, Kayamanan (Kasaysayan ng Pilipinas) I.
:Internet websites
2. Kagamitan: larawan, aklat,video clips at tsart
- Pamamaraan (Pamamaraang Pamamahayag)
1. Dulog:
(Ipakita ang isang video clip ng Deklarasyon ng Batas Militar at paano ito nagtapos sa isang mapayapang rebolusyon.)
1. Maganda ba ang naging karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Batas Militar noon? Patunayan.
2. Sa pagdeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar, may nakuha bang aral ang mga Pilipino?
3. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maranasan ang nangyari noon, ano sa tingin mo ang maging kontribusyon mo sa pagkamit nga kalayaan?
2. Paglalahad:
1. Paano nagsimula ang People Power I?
2. Bakit pinatalsik si Pangulong Marcos sa kanyang panunungkulan?
3. Paano nagtagumpay ang People Power Revolution?
3. Paggamit:
1. Paano naiwasan ang mdugong labanan sa People Power RevolutionI?
2. Kailan dapat magkaroon ng rebolusyon?
3. Bilang mamamayan, sa palagay mo, nararapat bang magkaroon ng rebolusyon kung ang pamamahala ng gobyerno ay di na naaayon sa kagustuhan ng nakararami?
- PAGSASANAY:
Ano sa palagay mo ang mabuting naidudulot ng People Power Revolution I sa ating bansa? Ipaliwanag ang inyong sagot base sa mga detalyeng nakita sa video at nabasa sa aklat.
- TAKDANG ARALIN:
Sa isang buong papel, itaa ang mga sanhi at bunga ng 1986 EDSA Revolution. Ilahad sa klase ang inyong sagot.
- BALIK PAG-AARAL:
Bumuo ng tatlong grupo at isadula ng mga pangyayari simula sa pagdeklara ng Batas
Militar hanggang sa pagpalit ng bagong gobyerno.
Group 1: Batas Militar
Group 2: People Power: The 1986 EDSA Revolution
Group 3: Ang simula ng Ikalimang Republika sa pamumuno ni Pres. Corazon Aquino.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento